May 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

Kiko Pangilinan, binisita si Bishop Soc sa Dagupan: ‘Ipinagpapasa-Diyos natin ang lahat’

Kiko Pangilinan, binisita si Bishop Soc sa Dagupan: ‘Ipinagpapasa-Diyos natin ang lahat’
(Photo courtesy: Kiko Pangilinan/X)

Binisita ni senatorial candidate Kiko Pangilinan si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas nitong Biyernes, Mayo 9, tatlong araw bago ang 2025 midterm elections.

Sa isang X post, nagbahagi si Pangilinan ng ilang mga larawan nila ni Bishop Soc kung saan pinagdasal din siya nito.

“Maraming salamat, Bishop Soc, sa mainit na pagtanggap sa atin sa Dagupan at sa panalangin,” ani Pangilinan.

Inihayag din ng senatorial candidate na isinusuko na niya sa Diyos ang eleksyon at hiniling na manaig ang tinig ng mga Pinoy rito.

Eleksyon

Mga mananalong senador sa eleksyon, inordenahan ng Diyos — Tito Sotto

“Ipinagpapasa-Diyos natin ang lahat, at nawa ang boses ng taumbayan ang manaig ngayong darating na halalan,” saad ni Pangilinan.

Nakatakdang isagawa ang 2025 midterm elections sa Lunes, Mayo 12.

Kamakailan lamang ay idineklara na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Mayo 12 bilang special non-working holiday upang mabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga Pilipinong makaboto.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, idedeklarang holiday ang Mayo 12, 2025