Sinagot ni House Speaker Martin Romualdez kung bakit wala umanong tumanggap sa impeachment complaint na inihain nina Duterte Youth Partylist Representative Ronald Cardema laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa House of Representatives.
Sa panayam ng media kay Romualdez noong Huwebes, Mayo 8, 2025, ilang oras matapos pumutok ang balita ng impeachment laban kay PBBM, nilinaw niyang nasa seminar umano ang Secretary General ng HOR.
“Well, wala pa tayo, we're not in session right now. So, not much can be done, ‘di ba? At sa [pagka] alam ko po, maski yung sec-gen's nasa seminar sila. So, we may have to wait for the proper time to consider that,” anang House Speaker.
Dagdag pa ni Romualdez, “I don't know what inspired them. But hayaan mo na lang sila.”
Matatandaang inihain nina Cardema ang nasabing impeachment complaint laban sa Pangulo dahil umano sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“At the Moment, as endorsed by Duterte Youth Party-List, Ronald Cardema and Marie Cardema of Calamba City, are filing the first Impeachment Complaint against President Bongbong Marcos for allowing the transfer of a Filipino Citizen, former President Rodrigo Duterte, to foreigners,” ani Cardema sa kaniyang Facebook post noong Huwebes.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, hinainan ng impeachment complaint ng Duterte Youth party-list
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang Palasyo hinggil sa naturang impeachment laban sa Pangulo.
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD