Dumating na ang pinakahihintay na oras ng bilyong Katoliko dahil namataan na ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican ngayong Biyernes ng madaling araw, Mayo 9 (oras sa Pilipinas), matapos ang dalawang araw na conclave.
Ibig sabihin ng puting usok ay mayroon nang bagong nahalal na Santo Papa, na siyang papalit sa yumaong si Pope Francis.
Pagkatapos malaman ng resulta, dito na mamamagitan ang dean of the College of Cardinal upang tanungin ang elected Cardinal kung tinatanggap niya ang resulta ng eleksyon.
At kung tinatanggap ng elected cardinal ang resulta, nakatakda siyang pumili ng "Papal name" at saka siya bibihisan ng papal vestment. Matapos nito, saka siya ihaharap sa balkonahe ng St. Peter's Basilica upang ipakilala sa buong mundo.
BASAHIN: Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa