Si U.S. Cardinal Robert Francis Prevost ang ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika.
Ang 69-anyos na si Cardinal Prevost ay kikilalanin bilang "Pope Leo XIV," pangalan na kaniyang pinili.
Bago maging cardinal noong 2023, siya ay naging missionary sa Peru.
Ngayong 2025, siya ang bagong-halal na Santo Papa at ang kauna-unahang Amerikanong papa sa 2,000 taong kasaysayan ng Simbahang Katolika.
Matatandaang nito lamang Biyernes ng madaling araw, Mayo 9 (oras sa Pilipinas), nang mamataan ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican, matapos ang dalawang araw na conclave.
BASAHIN: Habemus Papam: Simbahang Katolika, may bago nang Santo papa