Binweltahan ni “Pambansang Kamao” at senatorial aspirant Manny Pacquiao ang ilang nagsasabing siya raw ay bobo.
Sa isang video statement nitong Huwebes, Mayo 8, ginawan ni Pacquiao ng acronym ang salitang “bobo.”
“Oo, ngayon, inaamin ko na na ako ay BOBO. Boksingerong Obsessed na Bigyang Oportunidad ang mga mamamayang Pilipinong naghihirap,” saad ni Pacquiao.
Pero bago ito ay inisa-isa muna ng senatorial aspirant ang mga naitulong niya sa mga Pilipino tulad ng pagpapaaral, pabahay, at pagpapamudmod ng ₱2 bilyon noong panahon ng pandemya.
Matatandaang kumandidato si Pacquiao bilang pangulo noong 2022 presidential elections kasama ang running mate niyang si Lito Atienza ngunit na nabigo silang manalo.
Naiposisyon lang si Pacquiao ng kaniyang mga tagasuporta sa ikatlong puwesto matapos makakuha ng mahigit 3 milyong boto.
Sa kasalukuyan, tumatakbo ang tinaguriang “Pambansang Kamao” sa ilalim ng senatorial slate ng administrasyon na “Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”
BASAHIN: PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'