May 09, 2025

Home BALITA

Agustinong pari sa Pilipinas, inalala pagsasama nila ni Pope Leo XIV noong Bagong Taon

Agustinong pari sa Pilipinas, inalala pagsasama nila ni Pope Leo XIV noong Bagong Taon
Photo Courtesy: Genesis Labana (FB)

Sinariwa ni Fr. Genesis Labana, isang Pilipinong Agustino, ang pagsasama nila ni Cardinal Robert Francis Prevost, na ngayo'y Pope Leo XIV, noong nakaraang Bagong Taon.

Sa Facebook post ni Fr. Labana noong Huwebes, Mayo 8, ibinahagi niya ang naramdaman nang gumawa sila ni Pope Leo XIV ng video message recording para sa probinsya.

“My New Year's Day was with him in a very short and tense moment. Who would have thought that this would be my closest and recent picture with him,” saad ni Fr. Labana.

Dagdag pa niya, “Where we are at is the chapel of Saint Monica. Before he was made into a Cardinal-Bishop by the late Pope Francis, this was his titular church.”

Eleksyon

Mga mananalong senador sa eleksyon, inordenahan ng Diyos — Tito Sotto

Bukod dito, inihayag din ni Fr. Labana ang sayang dulot ng pagkakatalaga kay Pope Leo XIV bilang bagong Santo Papa ng Simabahang Katolika.

Para kasi sa mga Agustino, base sa liturgical calendar, ang Mayo 8, 2025 ay isa ring paggunita sa Pinagpalang Birheng Maria na Ina ng Grasya. 

BASAHIN: First American pope: Cardinal Robert Prevost, ang bagong lider ng Simbahang Katolika