Nagbigay ng sapantaha si OCTA Research Fellow Dr. Guido David kaugnay sa resulta ng final senate race survey.
Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Biyernes, Mayo 9, sinabi ni David na may limang senatorial candidates na malaki ang potensyal na lumusot sa Magic 12 sa darating na 2025 midterms elections.
“Right now, I’m seeing five names that I think are very likely to make it, and they’re somewhere within the top five,” saad ni David.
Dagdag pa niya, “Aside from looking at our own survey, I also cross-checked this with other surveys from other organizations that are credible. And we sort of triangulate and get an estimate of who will be likely to make the top 12.”
Matatandaang batay sa final senate race survey na isinagawa noong Abril 20-24 ay nangunguna sina reelectionist Senator Bong Go, na nakakuha ng 56.8% voters preference at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, na ang nakuha namang voters preference ay 52.7%.
Samantala, base naman sa April senatorial survey ng Pulse Asia, 62.2% daw ng mga Pinoy na nagsilbing respondents ng survey ang nais muling mahalal si Go bilang senador.
MAKI-BALITA: Bong Go, nananatiling 'top senatorial candidate' sa survey ng Pulse Asia