May 08, 2025

Home BALITA National

Utang ng Pilipinas lumobo sa ₱16.68 trillion sa pagtatapos ng March 2025

Utang ng Pilipinas lumobo sa ₱16.68 trillion sa pagtatapos ng March 2025
photo courtesy: Bongbong Marcos/FB

Lumobo sa ₱16.68 trilyon ang utang ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagtatapos ng Marso 2025. Tumaas ito ng 0.31% mula sa ₱16.63 trilyon noong Pebrero 2025.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), 68.2% ng utang ng gobyerno ay galing sa domestic debt, habang 31.8% naman ang mula sa foreign debt. 

Ang domestic debt ng bansa ay umabot sa ₱11.38 trilyon sa pagtatapos ng Marso 2025, na sumasalamin sa 1.39% o ₱155,83 bulyon na pagtaas mula sa pagtatapos ng Pebrero 2025.

"This was mainly due to the net issuance of domestic securities worth ₱157.86 billion, demonstrating strong investor confidence in government instruments. The increase was partially offset by the peso’s continued appreciation, which resulted in a ₱2.03 billion downward revaluation," paliwanag ng BTr.

National

Leni Robredo, isa sa biggest lifesavers si Bam Aquino

Ang external debt naman ng national government ay pumalo sa ₱5.30 trilyon sa pagtatapos ng March 2025. Bumaba naman ito ng 1.92% o ₱103.87 bilyon mula sa pagtatapos ng Pebrero 2025. 

"The reduction was primarily due to the ₱66.22 billion decrease in the peso equivalent of US dollar-denominated debt behind local currency appreciation, as well as the net repayment of external loans, which further trimmed the external debt total by ₱60.84 billion," anang BTr. "These more than offset the ₱23.19 billion upward revaluation effect of third-currency movements against the US dollar."

Samantala, bumaba rin ng 0.37% o ₱1.25 bilyon ang guaranteed obligations ng national government, kung saan bumaba ito sa ₱339.86 bilyon noong Marso 2025 mula sa ₱341.11 bilyon noong Pebrero 2025. 

"The monthon-month decline was mainly driven by the net repayment of external guarantees totaling ₱1.29 billion, alongside a ₱1.13 billion downward revaluation resulting from the peso’s continued strength against the US dollar. These more than offset the ₱0.77 billion in additional domestic guarantees and the ₱0.40 billion impact of third-currency exchange rate movements on external guarantees, reflecting the government’s continued efforts to prudently manage contingent liabilities while supporting key development initiatives," paliwanag ng BTr. 

Ayon sa treasury, namana ng administrasyong Marcos ang malaking utang mula sa nakaraang administrasyon dahil sa pandemya na umaabot sa humigit-kumulang ₱12.79 trilyon.

"...but it has already made improvements to the country’s debt statistics by reducing the NG debt-to-GDP ratio to 60.7% in 2024, below the 70% international threshold," saad pa ng BTr. 

"This was done by expanding the country’s GDP to ₱26.44 trillion in 2024. The Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) aims to reduce the NG debt-to-GDP ratio to only 56.9% by 2028."

Kaugnay nito, naiulat din ng BTr na pumalo sa halos 76% o halos ₱479 bilyon ang karagdagang budget deficit ng Pilipinas sa loob lamang ng first quarter ng 2025 kumpara sa parehas na panahon noong 2024.

BASAHIN: Mas malaki gastos kaysa kita: Budget deficit ng gobyerno sa Q1, pumalo ng halos 76%