May 08, 2025

Home BALITA National

SP Chiz, kinondena US gov't sa balak na ipa-deport mga Pinoy sa Libya: 'Filipinos are not camels!'

SP Chiz, kinondena US gov't sa balak na ipa-deport mga Pinoy sa Libya: 'Filipinos are not camels!'
Photo courtesy: Senate of the Philippines/Facebook

Umalma si Senate President Chiz Escudero sa nakaamba umanong plano ng gobyerno ng Estados Unidos na ipa-deport ang ilang Asian immigrants patungong Libya kabilang ang mga Pilipino na ilegal daw na nananatili sa kanilang bansa.

Sa pahayag na inilabas ng Pangulo ng Senado nitong Huwebes, Mayo 8, 2025, tahasan niyang iginiit na hindi umano hayop ang mga Pilipino upang ipatapon lamang sa disyerto.

"Filipinos are not camels to be dumped on some Libyan desert. They are human beings who deserve to be accorded all the rights by a state who claim to cherish and uphold them," ani Escudero.

Kinalampag din ni Escudero si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na siguraduhin umanong maayos ang kalagayan ng mga Pinoy na nananatili pa rin sa US.

National

Leni Robredo, isa sa biggest lifesavers si Bam Aquino

Matatandaang nagsimula na ang malawakang deportasyon ng US government laban sa lahat ng mga ilegal na nananatili sa kanilang bansa, alinsunod sa kautusan ni US President Donald Trump. Habang kamakailan lang nang gumawa naman ng ingay ang nasabing plano nitong ipatapon ang mga illegal immigrants sa bahagi ng disyerto ng Libya. 

Kaugnay nito, iginiit din ng Senate President na nakahanda umano ang Pilipinas na muling tulungang kupkupin pabalik ng bansa ang mga Pinoy na maaapektuhan ng nasabing mass deportation. 

"If the United States wants to deport our citizens, then we are willing to welcome our kababayan back. There is absolutely no need for this cruelty to export them to a third country," saad ni Escudero.

Hiningi rin niya na bigyan din daw ng dignidad ang repatriation sa mga apektadong indibidwal at huwag umano patawan ng tila panibagong penitensya.

“Dignified repatriation of our brothers and sisters is all we seek, not some rendition to an offshore penitentiary in a country which does not want them," aniya.