May 08, 2025

Home BALITA National

PBBM, hinainan ng impeachment complaint ng Duterte Youth party-list

PBBM, hinainan ng impeachment complaint ng Duterte Youth party-list
Courtesy: Duterte Youth Party-list/FB

Naghain ng impeachment complaint ang Duterte Youth party-list laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagpayag umano nitong ipadala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga “banyaga” o sa International Criminal Court (ICC).

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 8, ibinahagi ni Duterte Youth Partylist Rep. Ronald Cardema ang kanilang paghain ng reklamong pagpapatalsik kay Marcos.

“At the Moment, as endorsed by Duterte Youth Party-List, Ronald Cardema and Marie Cardema of Calamba City, are filing the first Impeachment Complaint against President Bongbong Marcos for allowing the transfer of a Filipino Citizen, former President Rodrigo Duterte, to foreigners,” ani Cardema sa kaniyang post.

Iginiit ng party-list na kaugnay umano ang kanilang reklamo sa mga probisyon ng Article XI (Accountability of Public Officers), Sections 2 at 3 ng 1987 Philippine Constitution, at maging sa Rules of Procedure sa Impeachment Proceedings ng 19th Congress.

National

Leni Robredo, isa sa biggest lifesavers si Bam Aquino

Ito ang unang impeachment complaint na inihain laban kay Marcos mula nang maging pangulo ito ng bansa noong 2022.

Habang sinusulat ito’y wala pang pahayag ang pangulo o Malacañang hinggil dito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte sa The Hague, Netherlands matapos siyang arestuhin noong Marso 11, dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD