May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pasig Bet Atty. Christian Sia, dinisqualify ng Comelec

Pasig Bet Atty. Christian Sia, dinisqualify ng Comelec
Photo courtesy: Comelec, Christian Sia/Facebook

Diniskwalipika na ng Commission on Election (Comelec) 2nd Division si Pasig City Congressional Bet Atty. Christian Sia, kaugnay ng kaniyang kontrobersyal na pahayag sa mga single mom.

Batay sa resolusyong inilabas ng komisyon nitong Huwebes, Mayo 8, 2025, pinagtibay nito ang pag-disqualify sa kandidatura ni Sia.

"Pursuant to the clear and mandatory language of Section 68, the Respondent is hereby rendered disqualified from continuing as candidate," anang Comelec.

Nilinaw din ni Comelec na mananatili ring suspendido si Sia kung sakali mang manalo siya sa darating na halalan sa Mayo 12.

Eleksyon

Bam Aquino, Bong Go ibinahagi pag-endorso sa kanila ng JIL Church

"In the event that the Respondent nonetheless obtains the highest number of votes, his proclamation shall be suspended until the resolution of this case," anila.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang nag-viral na video ni Sia patungkol sa kaniyang hirit sa mga solo parent na babae noong Abril 3.

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Ian Sia, walang intensyong bastusin mga single mom; bahagi raw ito ng 'freedom of speech' niya

"Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae, na nireregla pa, malinaw na nireregla pa, at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwede pong sumiping sa akin," ani Sia.

Habang noong Abril 16 naman nang maglabas ang Comelec Task Force ng disqualification case laban kay Sia.

KAUGNAY NA BALITA: Comelec Task Force, naghain ng disqualification case laban kay Pasig congressional bet Christian Sia