Naglabas na ng pahayag ang Nation's female group na "BINI" hinggil sa kontrobersyal na video na kinasasangkutan ng tatlo nilang miyembro.
Naging usap-usapan ang BINI members na sina BINI Jhoanna, BINI Stacey, at BINI Colet dahil sa walong segundong video kasama ang mga miyembro ng all-male group na "GAT" na sina Ethan David at Shawn Castro, kung saan inakusahan sila ng ilang netizens na nangungunsinti umano sa "grooming.”
BASAHIN: Ilang miyembro ng BINI at GAT, binabanatan dahil sa isang leaked video
Sa inilabas namang statement ng BINI nitong Huwebes ng gabi, sinabi nilang naglalaman ang kumakalat na video ng private moment kasama ang kanilang mga kaibigan, at wala raw silang intensyong makasakit.
“We know that the past couple of days have been triggering and disappointing for all of you. Sincerely, we understand where all of those feelings are coming from,” anang BINI.
“The video shows a private moment of us with friends. We definitely did not intend to hurt anyone in the process. We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words.”
In-acknowledge din ng girl group na nagkamali ang kanilang members sa nangyari at kinukuha raw nila ang full accountability ukol dito.
“We take full accountability. Nagkamali kami. We deeply regret our mistake and sincerely apologize to our Blooms, friends, families, and the general public,” mensahe ng BINI.
“We humbly ask for a chance to reflect on and learn from our mistakes and continue to work on becoming better versions of ourselves. Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at pang-unawa,” dagdag nila.
Bukod kina Jhoanna, Colet, at Stacey, bahagi rin ng BINI sina Aiah, Maloi, Gwen, Mikha, at Sheena.