Kinumpirma ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag-dismiss nila sa serbisyo kay Patrolman Francis Steve Fontillas, matapos ang kaniyang mga kontrobersyal na social media posts laban sa pamahalaan.
Batay sa inilabas na pahayag ng NAPOLCOM nitong Huwebes, Mayo 8, 2025, binanggit din nila ang kanila umanong hatol laban kay Fontillas.
"In a National Police Commission (NAPOLCOM) En Banc Deliberations on Summary Dismissal Proceedings held yesterday late afternoon (May 7, 2025), the Commissioners, voting unanimously, DISMISSED from the police service Patrolman Francis Steve T. Fontillas (in SDC No. NCR-2025-0010)," anang komisyon.
Dagdag pa nila, "During the NAPOLCOM En Banc Deliberations, Fontillas was found guilty of Grave Misconduct, Conduct Unbecoming of a Police Officer, and Disloyalty to the Government.”
Hindi na rin daw maaaring bumalik sa public service si Fontillas.
"Aside from Dismissal, the NAPOLCOM En Banc also meted out the accessory penalty of perpetual disqualification from pub;ic service," anang NAPOLCOM.
Samantala, sa isang Facebook post nitong Huwebes, pinalagan ni Fontillas ang naturang hatol ng NAPOLCOM, at iginiit niyang gawa-gawa lang umano ng komisyon ang pagsibak sa kaniya dahil nauna na raw siyang magbitiw sa serbisyo noong Abril 25.
"Sabi ng NAPOLCOM, na-dismiss daw ako. Eh April 25 pa ako nakapag-resign. Gawa-gawa na naman kayo ng kwento. Mga iyakin!" saad ni Fontillas.
Kaugnay ng kaniyang pagbibitiw sa puwesto, nilinaw ni NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer (VCEO) Rafael Vicente Calinisan na hindi pa rin daw siya ligtas sa kasong kahaharapin.
"Fontillas' resignation did not stay in the administrative and criminal cases filed against him. Since Fontillas was already formally charged in NAPOLCOM before his resignation, NAPOLCOM already acquired jurisdiction over his person. Thus, no matter what Fontillas claims, he cannot conveniently escape liability through resignation, and was thus made liable as he should be," ani Calinisan.
Si Fontillas ay miyembro ng PNP at vlogger na naging usap-usapan sa social media kamakailan, matapos ang mga komento niyang direkta umanong pumupuna sa gobyerno sa pamamagitan ng written posts at video sa kaniyang Facebook page.
KAUGNAY NA BALITA: Pulis na pumuna umano sa PNP, PBBM admin, sinampahan ng sedisyon