May 08, 2025

Home BALITA Internasyonal

Kasabay ng Conclave: Ilang kababaihan sa Roma, panawagang magkaroon ng 'babaeng pari'

Kasabay ng Conclave: Ilang kababaihan sa Roma, panawagang magkaroon ng 'babaeng pari'
Photo courtesy: via AP News

Ilang grupo ng kababaihan ang nagtipon upang sabayan ang conclave at ipanawagan umano ang kanilang kagustuhang magkaroon ng babaeng pari.

Ayon sa mga ulat, sinabayan nila ng kulay rosas na usok ang conclave sa Sistine Chapel upang ipakita ang kanilang protesta.

"We are saying to the cardinals, you cannot keep ignoring 50% of the Catholic population, you cannot go into a locked room and discuss the future of the Church without half of the Church," anila.

Sa isang burol malapit sa St. Peter's Square nila ginagawa ang nasabing protesta dahil maka-ilang beses na umano silang inaaresto ng kapulisan.

Internasyonal

Mga obispo, nanawagan ng dasal para sa pagpili ng susunod na Santo Papa

"Whenever we go down to St. Peter's Square, we are detained by the police... and we are certainly not invited to go into the conclave," anang grupo.

Pinuna rin nila na ang ambag na ibinibigay lamang sa kababaihan sa Simbahang Katolika habang patuloy umanong dinodomina ng mga lalaki ang sistema.

"The only women that those 133 men will see in the next few days will be nuns who are cleaning their rooms and serving them food and tidying up for them," saad ng grupo.

Hindi rin umano nawawalan ng pag-asa ang grupo na mapakikinggan sila ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng awtoridad ng kababaihan sa Simbahan.

"While the world may wait for white smoke or black smoke, we send up pink smoke as our hope that the Church may someday welcome women as equals," saad nila.