May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Kapanalunan ng DuterTEN, kapanalunan para kay Tatay Digong!'—Sen. Bong Go

'Kapanalunan ng DuterTEN, kapanalunan para kay Tatay Digong!'—Sen. Bong Go
Photo courtesy: Screenshot from PDP-Laban (FB)

Ipinagdiinan ng re-electionist na si Sen. Bong Go na ang pagboto nang straight sa mga senador na kabilang sa "DuterTEN" ng PDP-Laban ay pagpanalo rin para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nalalapit na halalan sa Lunes, Mayo 12.

Sa panayam ng SMNI kay Go sa Miting De Avance ng partido sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, pinaalalahanan ng senador ang mga botante na alalahanin ang mga naging sakripisyo ni "Tatay Digong" para sa bansa, kapag boboto na sila ng mga iluluklok sa Senado.

Ang pagkapanalo raw ng senatorial slate ng PDP-Laban ay iniaalay o dedicated para sa dating pangulo.

"Ang kapanalunan po ng DuterTEN... tandaan n'yo lang po, DuterTEN! Ang kapanalunan po ng DuterTEN sa darating na Lunes ay kapanalunan po ng mga Pilipino, kapanalunan po para kay Tatay Digong," ani Go.

Eleksyon

PBBM party-list, tuluyan nang diniskwalipika ng Comelec

Nakikiusap daw ang senador sa mga kababayan na huwag kalimutang ipagdasal ang kalagayan ni dating Pangulong Duterte, para sa kaniyang kalusugan, kaligtasan, at kalayaan.

Ang tinatawag na DuterTEN ay sina Atty. Jimmy Bondoc, Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa, Sen. Bong Go, SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Raul Lambino, Doc. Marites Mata, Pastor Apollo Quiboloy, at Atty. Vic Rodriguez, at Phillip Salvador.

KAUGNAY NA BALITA: 'DuterTEN' magsasagawa ng miting de avance sa Maynila

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD