May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Gabriela, nagpasalamat sa diskwalipikasyon ni Sia: 'Serve as a wake-up call!'

Gabriela, nagpasalamat sa diskwalipikasyon ni Sia: 'Serve as a wake-up call!'
Photo courtesy: Gabriela Women's Party, Christian Sia/Facebook

Itinuturing ng Gabriela Women's Party na isa raw tagumpay sa kababaihan ang pagka-disqualify ni Pagic Congressional Bet Christian Sia bunsod ng kaniyang kontrobersyal na pahayag sa mga single mom.

KAUGNAY NA BALITA: : Atty. Ian Sia, walang intensyong bastusin mga single mom; bahagi raw ito ng 'freedom of speech' niya

Sa pahayag ng Gabriela nitong Huwebes, Mayo 8, 2025, iginiit nila isa na raw itong "wake-up call" para sa lahat ng public servants.

"This ruling must serve as a wake-up call to the entire political establishment: misogyny is not just unbecoming of public servant-it is despicable and dangerous, and must be treated as such," anang Gabriela.

Eleksyon

Bam Aquino, Bong Go ibinahagi pag-endorso sa kanila ng JIL Church

Nagpasalamat din sila naturang desisyon umano ng Commission on Elections (Comelec) 2nd division na tuluyang tuldukan ang kandidatura ni Sia.

"We thank the Comelec for resolutely acting motu proprio in filing the disqualification case, and for ruling in favor of solo mothers who were utterly disrespected and degraded with Sia's lewd remarks.

Matatandaang nitong Huwebes din ng maglabas ng resolusyon ang Comelec hinggil sa pag-disqualify kay Sia kung saan pinagtibay din nito na mananatili siyang suspendido kung sakali mang manalo siya sa halalan sa Mayo 12. 

KAUGNAY NA BALITA: Pasig Bet Atty. Christian Sia, dinisqualify ng Comelec