Nagkomento si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa reklamong isinampa sa Ombudsman ni Sen. Imee Marcos kaugnay ng umano'y ilegal na pag-aresto nila kay dating Pangulong Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, inireklamo 5 top gov’t officials na sangkot sa pag-aresto kay FPRRD
Sa ambush interview ng media kay Remulla noong Miyerkules, Mayo 7, 2025, iginiit niyang tila "na-weirdan daw siya sa naturang reklamo.
"Actually, the complaint itself parang ne-weirdan ako kasi hindi naman committee report eh. Why the haste? Why not wait for the committee report? Kasi, that's the committee investigation," ani Remulla.
Dagdag pa niya, "What was contained was the chairman's report. That's a little strange. But anyway, we will answer it.”
Hindi rin umano malinaw ang procedure ng Ombudsman sa pagtugon sa inihaing reklamo ng senadora.
"Kasi dati, [mayroong] fact-finding 'yan. May rules na published 'yan. Yung ngayon parang hindi na dumaan sa fact-finding. Basta't dire-diretso agad sa amin. We'll see. I will not insinuate anything," anang DOJ Secretary.
KAUGNAY NA BALITA: Ombudsman, inatasan 5 gov’t officials na sagutin reklamo ni Sen. Imee ukol sa pag-aresto kay FPRRD
Matatandaang kamakailan lang nang isumite ni Sen. Imee sa Ombudsman ang reklamo sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno, partikular na ang ilang miyembro ng gabinete dahil sa umano'y pinagtatakpang paglabag sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte na tinawag ng senadora na "criminal and administrative offenses."
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD