Kinumpirma ng reelectionists na sina Senador Bong Go at Senador Bong Revilla na inendorso sila ng Iglesia ni Cristo (INC) para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Nitong Huwebes, Mayo 8, nang ibahagi nina Go at Revilla ang naturang pagsuporta sa kanila ng INC sa halalan.
Samantala, nagpahayag na rin ng pasasalamat si Revilla sa founder ng INC na si Eduardo Manalo sa pamamagitan ng isang Facebook post.
“Maraming salamat po kay Kapatid na Eduardo Manalo at buong Iglesia Ni Cristo sa inyong patuloy na tiwala sa akin, tungo sa inyong naging kapasyahan na ako po'y muli ninyong suportahan sa ating pagpapatuloy manilbihan sa bayan,” ani Revilla sa kaniyang post.
“Hindi ko po sasayangin ang inyong suporta at paniniwala sa akin. Mabuhay ang Pilipinas!” saad pa niya.
Nakatakdang isagawa ang 2025 midterm elections sa Lunes, Mayo 12, 2025.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit nga ba hinihingi ng mga kandidato ang suporta ng INC tuwing eleksyon?