May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pagbulusok ni Sen. Imee sa senatorial survey, isinisi sa mababang approval ratings ni PBBM

Pagbulusok ni Sen. Imee sa senatorial survey, isinisi sa mababang approval ratings ni PBBM
Photo Courtesy: via MB

Itinuro ni Senator Imee Marcos ang mababang approval ratings ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang dahilan ng pagbulusok o pagbaba niya sa senatorial surveys.

Batay sa inilabas na survey ng OCTA noong Abril 29, bumaba sa 60% ang mga Pilipinong nagtitiwala sa pangulo, mula sa 65% na natanggap niya noong Nobyembre 2024.

MAKI-BALITA: PBBM sa nakuha niyang trust, approval rating: ‘It continues to inspire me’

Samantala, base naman sa Pulse Asia survey na inilabas noong Mayo 5, bigo si Sen. Imee na makapasok sa Magic 12. Naglalaro sa 14-18 ang puwesto niya sa survey matapos makakuha ng voter preference na 24.7% at 23.7%.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

MAKI-BALITA: Bong Go, nananatiling 'top senatorial candidate' sa survey ng Pulse Asia

Kaya sa panayam ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila nitong Miyerkules, Mayo 7, sinabi ni Sen. Imee na damay umano siya sa masamang ratings ng adminstrasyon.

"It's very clear that the approval ratings of the administration are very, very bad. Napakababa. [...] Dahil sa apelyido ko, Marcos rin ako, damay-damay talaga ako,” saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, “Unfortunately, magkabila ang damay ko. Collateral damage ako kapag nasisira ‘yong administration. Tapos, binabanatan din ako ‘pag may Duterte issue.”

Matatandaang pamamangka umano sa dalawang ilog ang isang problema sa kandidatura ni Sen. Imee ayon sa suri ng isang professor at political scientist. 

MAKI-BALITA: Pamamangka sa dalawang ilog, problema sa kandidatura ni Imee Marcos, ayon sa isang professor