May 08, 2025

Home BALITA Politics

May pahiwatig? Kitty Duterte, sasabak na rin sa politika?

May pahiwatig? Kitty Duterte, sasabak na rin sa politika?
Photo courtesy: Contributed photo

Inihayag ni Honeylet Avanceña ang payo raw ng kaniyang common law partner na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang anak na si Kitty Duterte.

Sa Miting De Avance ni PDP Laban senatorial candidate Rodante Marcoleta sa Bulacan noong Martes, Mayo 6, 2025, iginiit ni Avanceña na nais umano ni dating Pangulong Duterte na sumunod sa kaniyang yapak ang anak nilang si Kitty.

“Sabi ng anak ko, ayaw niya pumasok sa politika. Sabi ko, ‘Ako rin, ayoko sana.’ Pero sabi ng papa niya, ‘Mag-aral ka. Sumunod ka sa yapak ko,’” saad ni Honeylet.

Samantala, sa hiwalay na pahayag sa naturang Miting De Avance, tila nagbigay naman ng pahiwatig si Kitty sa ambang pagsabak na rin niya sa politika bunsod umano ng pagkakaaresto sa kaniyang ama.

Politics

Ka Leody sa planong pagsabak ni Kitty sa politika: ‘Maaaresto ka rin’

KAUGNAY NA BALITA:  FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

“Ako ay isang 21-year-old college student lamang at ayaw ko sanang makisali sa politika. Pero nang dahil sa pag-kidnap at pag-abuso nila sa tatay ko, nandito ako ngayon para ipaglaban hindi lamang ang pamilya ko kundi ang bansang Pilipinas,” ani Kitty. 

Dagdag pa ni Kitty, “My love for my country is what brought me here. There was never any personal agenda involved. Mahal niya ang bayan niya. Pilipinas, Duterte pa rin!”

Matatandaang inaresto si dating Pangulong Duterte noong Marso 11 matapos magbaba ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) para sa reklamong crimes against humanity kaugnay ng madugo niyang kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD