Naghain ng disqualification case sa Commission on Elections (Comelec) ang kasalukuyang mayor ng Ormoc City na si Lucy Torres-Gomez laban kay Albuera mayoral candidate Rolan “Kerwin" Espinosa noong Martes, Mayo 6, 2025.
Ang DQ case ay nag-ugat sa umano'y paglabag ni Espinosa sa Section 68 (e) na may kaugnayan sa Section 261 (e) ng Omnibus Election Code, tungkol sa "threats, intimidation, terrorism, use of fraudulent device or other forms of coercion."
Noong Abril 30, hinamon ni Espinosa ang mister ni Torres-Gomez na si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez na magsagawa sila ng "gun fight."
Matatandaang kinuwestyon ni Espinosa kung bakit may mga pulis mula sa Ormoc nang magsagawa siya ng pangangampanya at mabaril.
KAUGNAY NA BALITA: Kerwin Espinosa, binaril habang nangangampanya sa Leyte
Patutsada naman ni Gomez, hindi raw marunong umarte si Espinosa at halatang "scripted" lamang ang lahat.
Paniwala ni Espinosa, may kinalaman umano sa politika ang dahilan ng pamamaril sa kaniya.
Katunggali ni Espinosa pagka-mayor ng Albuera si Leyte Board Member Vince Rama, na asawa ni Karen Torres, na kapatid naman daw ni Lucy.
KAUGNAY NA BALITA: Resbak ni Kerwin kay Cong. Richard: 'Di naman ako tulad sa kaniya na artista!'