Isusulong ng kapwa senatorial aspirants na sina Leody De Guzman at Luke Espiritu na isusulong nila ang ₱1,500 minimum wage sa buong bansa sakaling sila ay palaring makapasok sa Senado.
“Umaabot sa ₱30,000 buwan-buwan ang kailangang gastusin ng isang pamilya para lang matugunan ang pinakapayak na pangangailangan. Hindi tama na ang manggagawa, abonado pa at mababaon sa utang matapos nang kanyang trabaho. Dapat lang ibigay sa kanya kung ano ang nararapat, yung sahod na tunay na makakabuhay sa kanya at kaniyang pamilya,” saad ni De Guzman.
Para naman kay Espiritu, "Workers in this country are in a dismal state. The current conditions require systemic reform, which we will push for in the Senate. The call for a higher minimum wage is just the first step, an urgent reform needed to just keep workers breathing space as we work to truly uplift their condition."
Sinabi ni De Guzman na ang pagtaas ng sahod ay dapat sa buong bansa, dahil ang mga manggagawa, aniya, ay karapat-dapat ng pantay na sahod saanman ang lokasyon.
“Hindi naman tama na mas mahal ang pawis ng manggagawa sa Maynila kumpara sa ibang lugar. Ang dagdag na kita para sa manggagawa, sigurado tayo hindi itatakbo sa ibang bansa. Gagamitin para pambili ng mga pangangailangan ng kaniyang mga mahal sa buhay na siyang tutulong para iangat ang ekonomiya ng mga probinsya,” aniya.
Dagdag pa, “Antagal nang sinusubukan ng pamahalaan na magpasok ng mga mamumuhunan sa mga probinsya. Hindi nila naisip na ang problema, walang pambili ng produkto at serbisyo ang mga manggagawa. Panahon na para tugunan ang mga ito."
“The law allows micro and small-sized enterprises to be assisted in meeting minimum wage requirements. Even now, the government has AKAP, a program supposed to assist those affected by inflation and those earning less than the minimum wage. Instead of using the ₱26 billion budgeted for the program to give ayuda, the government can use this fund to help subsidize the ₱1,500 minimum wage proposal without needing the intercession of congressmen and senators,” saad naman ni Espiritu.