Sumabak sa one-on-one interview ang TV host at senatorial aspirant na si Willie Revillame kay Asia's King of Talk Boy Abunda, upang uriratin kung bakit siya pumasok sa politika.
Diretsahang tanong ni Boy ay kung bakit siya pumasok sa public service.
Sagot ni Willie na nauna na niyang nasabi noon sa mga panayam sa kaniya, matagal nang may humihikayat sa kaniyang pasukin ang politika, kahit pa nga si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipinatawag pa raw siya sa Malacañang.
Pero nang mga sandaling iyon, aminado si Willie na hindi pa raw siya handa sa isip, puso, at kaluluwa.
Sa pagkakataong ito, ang nag-udyok kay Willie para tuluyan nang tumakbo ay sa nakikita raw niyang hindi nagkakasundo sa Kongreso at nagkakaproblema sa Senado.
"Ang napapanood ng mahihirap na tao ay puro away," saad ni Revillame, "Parang sabi ko it's about time na gumawa naman ako ng paraan para sa mga mahihirap kong kababayan."
Sinabi rin ni Willie na malinis daw ang konsensya niya at handa na raw ang isip at puso niyang gumawa ng batas para sa mga kababayang mahihirap.
MAKI-BALITA: Willie Revillame, hindi tatakbo sa senado: ‘Hindi ko po kailangang kumandidato’