May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Jake Ejercito, inakalang kandidato: 'Walang plataporma pero may strava'

Jake Ejercito, inakalang kandidato: 'Walang plataporma pero may strava'
Photo Courtesy: Jake Ejercito (FB)

Nagbigay ng paglilinaw ang aktor na si Jake Ejercito sa isang netizen na inakalang tumatakbo siya ngayong 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post kasi ni Jake kamakailan, ibinahagi niya screenshot ng komento ng isang netizen sa kuha niyang larawan sa ginanap na motorcade sa Sulu kasama sina Vina Morales at Sulu 1st District Rep. Samier Tan.

“Ayaw nmin ng pogi laang dapat me alam at plataporma,” komento ng isang netizen.

Saad tuloy ni Jake sa caption ng post, “Walang plataporma pero may Strava! Relax, ma’am. Yung #RunUno sa marathon lang ang labanan, hindi halalan ”

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Si Jake ay anak ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada kay Laarni Enriquez. 

Bagama’t nag-aral ng politika sa Queen Mary University of London, hindi pa niya sinusubukang kumandidato para magkaposisyon sa gobyerno.