May 08, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ex-ABS-CBN head imbyerna kay Sol Aragones; Rodante Marcoleta itinaas-kamay

Ex-ABS-CBN head imbyerna kay Sol Aragones; Rodante Marcoleta itinaas-kamay
Photo courtesy: ABS-CBN News/via Ging Reyes (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang Facebook post ni Ging Reyes, retiradong ABS-CBN head ng Integrated News and Current Affairs ng network, patungkol sa dating ABS-CBN news reporter-turned-Laguna 3rd district solon na si Sol Aragones, na itinataas ang kamay ni SAGIP party-list representative at senatorial candidate Rodante Marcoleta.

Ibinahagi ni Ging ang isang screenshot mula sa isang X post na nagpapakita ng larawan ng dalawa.

Mababasa sa nabanggit na X post, "Hindi ka ba nandiring itaas ang kamay ng taong nasa forefront ng pagtutol sa renewal ng franchise ng mother network mo?"

"Ang bilis makalimot ng pulitiko 'no?"

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Photo courtesy: The Professional Heckler (X) via Ging Reyes (FB)

Sa post naman ni Ging, nataon namang ibinahagi niya ito noong Mayo 5, ang ikalimang anibersaryo ng pag-deny sa franchise renewal ng ABS-CBN, sa kasagsagan ng pandemya.

"The month of May is always eventful. More so this year, with the upcoming elections."

"For me and thousands of kapamilya, marking 5 years since ABS-CBN’s broadcast shutdown brings back painful memories. That wound was deep."

"Apparently, not for everyone. " mababasa rito.

Photo courtesy: Ging Reyes (FB)

Si Marcoleta, ang isa sa mga kongresistang nanguna sa pagtutol na mapagbigyan pa ng franchise ang ABS-CBN.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Sol Aragones? Sad naman."

"obviously, mas importante sa kanya ang sikmura niya. Nakikita mo talaga ang prinsipyo ng tao kapag nasa harapan niya ang ginto at kapangyarihan."

"SOLd her soul!"

"Sayang sya.. ambilis makalimot"

"There are only a few public servants who still have integrity…"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Aragones tungkol dito.