Inihayag ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na posible umanong inantok ang driver na nagmamaneho ng bus na umararo sa ilang sasakyan sa SCTEX bunsod umano ng maintenance medicine na kaniyang ininom, ilang oras bago magmaneho.
KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp
Sa panayam ng media kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III nitong Miyerkules, Mayo 7, ibinahagi niya ng inisyal na datos umano ng imbestigasyon.
“Based on the initial findings, he took his lunch. After lunch, uminom siya ng losartan, at saka isa pang gamot and the effect of this medicine is – it will dilute the blood and then, eventually, aantukin ka,” saad ni Guadiz.
Dagdag pa niya, “So based on these initial findings, obviously, inantok nga yung driver.”
Samantala, nilinaw din ni Guadiz na bagama’t ganoon daw ang lumabas sa inisyal na imbestigasyon, may pagpapabaya pa rin umano ang naturang driver.
“These are the things that we would like to ascertain. But initially, our findings really is there is negligence on the part of the driver,” anang LTFRB Chairman.
Matatandaang noong Huwebes, Mayo 1, nang salpukin ng isang bus ang kahabaan ng pila sa toll gate sa SCTEX kung saan apat na sasakyan ang nadamay at 10 katao ang nasabi habang hindi naman bababa sa 37 ang sugatan.
KAUGNAY NA BALITA: Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!