May 08, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?
Photo courtesy: Vatican News

Malalim at maraming proseso ang sinusunod ng Simbahang Katolika sa pagpili ng susunod na Santo Papa. Mga prosesong bagama’t hindi man naiintindihan ng ilan, ay pinagkakatiwalaan ng karamihan. Bagay na siyang pinagtibay ng pananampalataya ng relihiyong Romanong Katoliko sa buong mundo.

Conclave ang tawag sa proseso ng pagboto ng mga cardinal sa susunod na pinuno ng Simbahang Katolika. Sa mga panoorin man o sa mga balita, tila pamilyar na ang karamihan na isinasagawa ng mga cardinal sa isang kandadong kwarto ang botohan na tumatagal ng ilang oras hanggang bilangin ng ilang araw.

KAUGNAY NA BALITA: Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Ngunit, bakit nga ba kinakailangan pang ikulong sa Sistine Chapel ang lahat ng cardinal upang isagawa ang kanilang eleksyon sa susunod na Santo Papa?

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Ayon sa inilathalang artikulo ng Vatican News—ang opisyal na news portal ng Roman Catholic Church sa Vatican, taong 1268 umano nagsimula ang pagkulong sa mga cardinal. Subalit taliwas sa isang mapayapang paraan, ito ay nag-ugat sa isang pwersadong daan upang makapagluklok ng bagong Santo Papa.

Sinasabing noong 1268 naitala ang pinakamatagal at pinakamahabang conclave sa kasaysayan matapos umanong abutin ng lampas isang taon ang pagpili ng susunod na Santo Papa. Bunsod nito, hindi raw nagkaroon ng iisang desisyon ang mga residente ng Viterbo—isang lugar sa Italy kung saan idinaraos noon ang conclave. 

Upang pwersahin ang mga cardinal na pumili na ng susunod na Santo Papa, ikinulong ng taumbayan ng Viterbo ang mga cardinal kasama ng limitadong supply ng mga pagkain. Matapos nito, Setyembre taong 1271, naihalal na Santo Papa si Pope Gregory X, ang unang Santo Papang naluklok matapos mabakante ng tatlong taon.

Ngayong Mayo 2025, muling masasaksihan ng buong mundo ang pagluluklok sa panibagong Santo Papa, matapos itong mabakante sa pagpanaw ni Pope Francis. Matatandaang binakante ni Pope Francis ang posisyon ng Santo Papa na kaniyang pinamunuan sa loob ng 12 taon sa kaniyang pagpanaw noong Lunes, Abril 21. Siya ang sumunod sa binakanteng posisyon noon ni Pope Benedict XVI matapos ang kaniyang pagreretiro. 

KAUGNAY NA BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88