December 13, 2025

Home BALITA National

Yanna 'di sumipot sa LTO, tutuluyang kasuhan ng nagreklamo

Yanna 'di sumipot sa LTO, tutuluyang kasuhan ng nagreklamo
Photo courtesy: Yanna (FB)

Hindi dumalo sa itinakdang pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) ngayong Martes, Mayo 6, ang motorcycle vlogger na si Yanna Aguinaldo, na mas kilala sa social media bilang Yanna Motovlog.

Ang naturang pagdinig ay kaugnay ng pagkakasangkot ni Agunaldo sa isang insidente ng road rage na kumalat sa social media at naganap sa Zambales. Ayon sa kaniyang abogado, hindi nakarating ang vlogger dahil sa mga alalahanin sa seguridad. Nakakatanggap umano siya ng mga pagbabanta at pang-iinsulto mula nang pumutok ang isyu.

Sa pamamagitan ng isang sulat na ipinadala sa LTO, nagpaabot ng paghingi ng paumanhin si Aguinaldo sa pick-up driver na si Jimmy Pascua, na nasangkot din sa insidente at nakunan sa viral na video. Ipinahayag din niya ang kahandaang tanggapin ang anumang kaparusahan na ipapataw ng ahensya.

Bilang tugon, iniatas ng LTO na isuko ni Aguinaldo ang kaniyang driver’s license at iharap ang kaniyang motorsiklo sa susunod na pagdinig na itinakda sa Huwebes, Mayo 8.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Desidido naman si Pascua na sampahan ng kaso si Aguinaldo matapos ang umano'y pambabastos nito sa kaniya at pamam*kyu.

KAUGNAY NA BALITA: LTO, inisyuhan na ng show cause order ang moto vlogger na nam*kyu