May 06, 2025

Home FEATURES

Unang eroplano lumapag sa bagong gawang paliparan ng Camotes

Unang eroplano lumapag sa bagong gawang paliparan ng Camotes

Isang makasaysayang sandali ang naganap sa bayan ng San Francisco sa Camotes Islands noong Mayo 4, 2025 nang matagumpay na lumipad at lumapag ang kauna-unahang eroplano sa bagong tayong Camotes Airport—isang proyektong isinulong mula 2021 ni Deputy Speaker at Kinatawan ng Ika-5 Distrito ng Cebu, Vincent Franco “Duke” Frasco.

Ang matagumpay na test flight ay hudyat ng panibagong yugto ng konektibidad para sa Camotes, na matagal nang kinikilalang isang paraisong mahirap marating. Kabilang sa itinayong pasilidad ang bagong runway at passenger terminal, na naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Tanggapan ni Frasco at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu, sa pangunguna ni Gobernadora Gwendolyn Garcia.

“Hindi lamang ito paliparan—ito ay simula ng mas maraming oportunidad,” ani Frasco.

“Ito ang patunay ng aming pangakong dalhin ang tunay at pangmatagalang pag-unlad. Sa pamamagitan ng mas madaling pagbisita sa Camotes, mapapalakas natin ang turismo, makalilikha tayo ng trabaho, at mapapalago ang kabuhayan ng distrito.”

Human-Interest

ALAMIN: Bakit nga ba hinihingi ng mga kandidato ang endorsement ng INC tuwing eleksyon?

Sinimulan ni Frasco ang proyektong ito bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na palawakin ang access sa pagitan ng mga isla, itaguyod ang turismo, at palaguin ang ekonomiya sa Kinto Distrito ng Cebu. Ang makasaysayang paglapag ng eroplano ay isinakatuparan katuwang ang mga lider mula sa sektor ng aviation, turismo, at lokal na pamahalaan.

Itinuturing ng mga lokal na opisyal ang bagong paliparan bilang isang “game changer” na magpapabilis sa pag-unlad ng mga bayan sa labas ng sentrong lungsod ng Cebu.

“Simula pa lamang ito,” giit ni Frasco. "Sa patuloy na suporta ng ating mga kababayan at mga katuwang sa pamahalaan, mapapanatili natin ang ganitong momentum at masisiguro ang pagsulong ng Camotes sa mga darating na taon."

Inaasahang tatanggap ang Camotes Airport ng mga regular na biyahe sa sandaling makumpleto ang mga kinakailangang clearance at karagdagang pasilidad.