Idedeklara ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. bilang national holiday ang Mayo 12, 2025, ayon sa Malacañang nitong Martes, Mayo 6.
Ito ay araw ng botohan sa Pilipinas.
Ayon kay PCO Usec. Claire Castro, ngayong araw ilalabas ang deklarasyon.
Matatandaang hinihilig ng Commission on Elections (COMELEC) sa pangulo na gawing holiday ang araw ng halalan.
“[Ito ay] para naman po mabigyan ng pagkakataon ng sambayanang Pilipino, ang mga botante natin, na makaboto kahit na iisipin nila na hindi na makapasok sa araw na iyon, tutal naman declared holiday po siya."
BASAHIN: Comelec, hiniling kay PBBM na gawing holiday ang Mayo 12, 2025