May 06, 2025

Home BALITA National

Pagbagal ng inflation, bunga ng ‘matatag na pamumuno ni PBBM’ – Romualdez

Pagbagal ng inflation, bunga ng ‘matatag na pamumuno ni PBBM’ – Romualdez
MULA SA KALIWA: House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos (MB file photo)

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na hindi resulta ng “suwerte” ang pagbagal ng inflation rate sa bansa nitong Abril 2025, bagkus ay bunga raw ito ng matatag na pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Nitong Martes, Mayo 6, nang ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal sa 1.4% ang inflation rate sa Pilipinas nitong Abril 2025, kung saan ito raw ang pinakamababang naitala mula noong Nobyembre 2019.

Kaugnay nito, sa isang pahayag nitong Martes ay ipinaabot ni Romualdez ang kaniyang pagkatuwa at pagpuri kay Marcos.

"Hindi ito basta resulta ng suwerte. Ito ay bunga ng malinaw na direksyon at matatag na pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama ang buong Kongreso na katuwang niya sa pagpasa ng mga reporma at batas na layuning palakasin ang ekonomiya, ibaba ang presyo ng bilihin, at lumikha ng mas maraming trabaho," ani Romualdez. 

National

Procurement sa 'depektibong' bollards sa NAIA, paiimbestigahan ni PBBM

Ayon pa sa House Speaker, pinakikita ng naturang datos ng PSA sa inflation ng bansa na mas kontralodo na ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino, tulad ng bigas, gulay, at karne, at maging sa kuryente at pamasahe. 

“Ibig sabihin, mas abot-kaya na ang pang-araw-araw na gastusin, at mas lumalawak ang kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino na mapagkasya ang kanilang kita," giit ni Romualdez..

"Pinabilis natin ang pagdating ng mas murang pagkain sa merkado, binuksan natin ang mga oportunidad para sa negosyo at pamumuhunan, at tiniyak nating hindi iiwanan ang mga maliliit na negosyante at manggagawa sa ating pag-unlad.”

Nangako rin si Romualdez na mananatili siyang tapat sa kaniyang tungkulin bilang lider ng House of Representatives, at sisiguruhin daw niyang mapapakinabangan ng mga PIlipino ang mga batas na kanilang ipapasa.

"Bilang lider ng Mababang Kapulungan, mananatili tayong tapat sa ating tungkulin: ang tiyakin na ang bawat batas na ipinapasa natin ay may direktang benepisyo sa mamamayan. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ang ating pangarap ay hindi lang paglago ng ekonomiya, kundi ang pag-asenso ng bawat Pilipino," saad niya.