May 06, 2025

Home BALITA Metro

'Hindi itinadhana?' $3.5-billion Makati subway project, hindi na magagawa

 'Hindi itinadhana?' $3.5-billion Makati subway project, hindi na magagawa

Hindi na umano magagawa ang $3.5-billion Makati City subway project na plinano noon pang 2018. 

Ito ay dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema na kung saan ang ilang lugar sa Makati ay itinuturing nang parte ng Taguig City. 

Ayon sa proponent ng proyekto na Philippine Infradev Holdings, may mga subway stations at train depot na nasa hurisdiksyon ng Taguig at hindi ng Makati.

Dahil dito, hindi na "economically at operational feasible" ang proyekto. 

Metro

Japanese restaurant, pinasok ng riding in tandem; wallet ng customer na may ₱25k, nilimas!

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na sa loob ng ilang dekada ay hindi na umano nagkakasundo ang dalawang lungsod patungkol sa kani-kanilang teritoryo.

Matatandaang noong 2019 nang magkaroon partnership signing ceremony ang Makati, Infradev, at mga Chinese partners nito para sa subway project. 

Noong Hunyo 2023, tinanggihan ng SC ang mosyon ng lokal na pamahalaan ng Makati na humihiling sa Mataas na Hukuman na payagan itong maghain ng pangalawang "motion for reconsideration" hinggil sa hindi pagkakaunawaan sa teritoryo nito sa Taguig City. 

Ang $3.5-billion Makati Subway System project ay plinanong magkakaroon ng 10 underground stations sa mga pangunahing destinasyon tulad Ayala Triangle, Makati City Hall, at University of Makati.

Noong Enero 2024, sinabi ng ngayo'y outgoing Makati mayor na si Abby Binay na tila "hindi itinadhana" ang naturang proyekto.