Tila maraming netizens ang aaray dahil sa bagong presyo ng subscription plan ng Netflix dito sa Pilipinas, kasunod ng pagpataw ng 12% VAT sa iba't ibang digital services na epekibo sa Hunyo 1.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang Republic Act No. 12023 o "Value Added Tax (VAT) on Digital Services Law" noong Oktubre 2, 2024 na nagpapataw ng 12% VAT sa iba't ibang digital services, kabilang ang online streaming platforms, online games, freelancing, at iba pang foreign tech firms na nagbibigay ng digital service sa bansa.
Mula sa ₱549 monthly premium subscription, tataas na ito sa ₱619.
Ang standard subscription naman na dating ₱399 ngayon ay magiging ₱449.
Ang dating ₱249 para sa basic subscription ay magiging ₱279 na.
At ang mobile subscription na noo'y ₱149 lang, ngayon ay magiging ₱169 na.

BASAHIN: Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers