May 06, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga
Photo courtesy: Dr. Dex Macalintal/FB, Freepik

Nagbigay-babala ang isang doktor sa mga naglilinis ng tenga gamit alinman sa cotton buds at palito ng posporo. 

Sa isang Facebook post ni Dr. Dex Macalintal, ibinahagi niya ang isang malaking tutuli mula sa tenga ng isang pasyenteng mahilig magkalikot ng tenga. 

Ayon kay Dr. Dex may self cleaning mechanism ang tenga ng tao. Kaya ang paggamit ng cotton buds o palito ng posporo ay itinutulak lamang ng mga ito papaloob ang tutuli. 

Ibinahagi rin niya kung paano linisin ang tenga.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit nga ba hinihingi ng mga kandidato ang suporta ng INC tuwing eleksyon?

"Paano linisin ang tenga? simple lang. Yung hinubad na damit, ipanglinis sa LABAS ng tenga. 'Wag ipapasok sa loob," ani Dr. Dex.

"Para saan ang cotton buds? gagamitin ang cotton buds sa paglilinis ng sugat o kaya sa paglalagay ng gamot para hindi macontaminate ang natitirang gamot sa tube o container. Para saan ang palito ng posporo? para magsindi ng apoy," giit pa niya.

Dagdag pa ni Dr. Dex, "Tandaan n'yo lang 'to: Sa labas lang [ang paglilinis] para safe. Delikado kapag ipinasok."