May 05, 2025

Home BALITA National

VP Sara sa tanong kung nagdodroga si PBBM: 'Well, mag-assume na lang tayo na totoo...'

VP Sara sa tanong kung nagdodroga si PBBM: 'Well, mag-assume na lang tayo na totoo...'
VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (Photo: VP Sara/FB)

“Kapag ang ulo lulong sa droga, eh lahat ng kamay at paa, lahat ‘yan magdodroga na rin.”

Ipinagpalagay ni Vice President Sara Duterte na gumagamit talaga ng ilegal na droga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil hanggang ngayon ay hindi raw ito nagpapa-drug test.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Linggo, Mayo 4, tinanong si Duterte tungkol sa isyu ng ilegal na droga sa bansa na lalo umanong lumalala.

“Opo, ‘yan ang sinabi ko. Kapag ang ulo lulong sa droga, eh lahat ng kamay at paa, lahat yan magdudroga na rin. Kasi wala na silang respeto sa authority,” ani Duterte.

National

Comelec, pinabulaanan kumakalat sa socmed na sa Mayo 10 bagong schedule ng eleksyon

“Yan yung problema natin ngayon. Lahat ng tao nagkaniya-kaniya na. Ang mga illegal at kriminal.

Nang diretsahan namang tanungan ang bise presidente kung sa tingin niya ay “nagdo-droga” si PBBM, sagot ng bise presidente: “Well, mag-assume na lang tayo na totoo dahil ayaw niya magpa-drug test.”Binanggit din niya ang kumalat noong Hulyo 2024 na video ng pangulo kung saan makikita ang paggamit umano nito ng ilegal na droga. Ipinalabas ang video sa Maisug gatherings sa Vancouver, Canada at Los Angeles, USA.

“Meron siyang video ng paggamit ng droga na hindi nila ma-deny kasi authenticated. Tapos hinamon siya ng isang senator candidate na magpa-drug test. Ayaw niyang magpa-drug test,” saad pa ni Duterte.

Matatandaan namang noon ding 2024 nang agad na pabulaanan ng Department of National Defense (DND) ang naturang kumalat na video ni PBBM, at sinabing ito umano ay isang “maliciously crude attempt to destabilize the administration.”

MAKI-BALITA: DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM

Samantala, noong Abril 2025 nang kuwestiyunin ni Presidential Communications Office (PCO) undersecretary Claire Castro ang mga nagde-demand na magpa-hair follicle drug test kay PBBM, at sinabing kung sino raw ang “nagbibintang,” siya raw ang dapat magbigay ng pruweba na totoo ang binibintang niya.

MAKI-BALITA: Usec. Castro, kinuwestiyon basehan ng pag-demand ng ‘hair follicle drug test’ kay PBBM