Patuloy pa rin ang epekto ng trough ng low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) at easterlies sa bansa ngayong Lunes, Mayo 5, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa ulat ng PAGASA dakong 5:00 ng umaga, inihayag ni weather specialist Chenel Dominguez na huling namataan ang papalabas na ng kalupaan ang LPA na huling namataan 460 kilometro ang layo sa timog ng Coron, Palawan.
Nananatili pa rin daw na mababa ang tsansang maging bayo ang LPA.
Gayunpaman, inaasahang magdadala ang trough o extension ng LPA ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa MIMAROPA, Bicol Region, Batangas, at Quezon.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.
Samantala, inaasahang magdudulot ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.
Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.
Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).