Binatikos ng aktres na si Rita Avila si US President Donald Trump dahil sa pagbabahagi ng Santo Papang larawan nito.
Sa isang Facebook post ni Rita kamakailan, sinabihan niyang wala umanong galang ang presidente ng Amerika.
“Walang galang si Pres. Trump. Ininsulto nya ang pagkasagrado ng Papa. Malaking kasalanan ang mambastos ng sagradong tao, gamit o lugar,” saad ni Rita.
Matatandaang hindi rin nagustuhan ni Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Cardinal Virgilio David ang AI-generated na larawan ni Trump.
MAKI-BALITA: Santo Papang larawan ni Trump, ‘di nagustuhan ni CBCP Pres. David
Ibinahagi mismo ni Trump sa kaniyang Instagram account ang nasabing larawan ilang araw matapos niyang dumalo sa misa ng libing ni Pope Francis.