May 22, 2026

Home BALITA Politics

Pagpapaliban sa impeachment ni VP Sara, magandang desisyon —political scientist

Pagpapaliban sa impeachment ni VP Sara, magandang desisyon —political scientist
Photo Courtesy: MB File Photo

Tila nakabuti umano ang pagpapaliban sa nakabinbing impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa political scientist na si Professor Eric De Torres.

Si De Torres ang tumatayong chairman ng University of the East Political Science Department.

Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Lunes, Mayo 5, sinabi ni Torres na ang pagkaantala ng paglilitis kay Duterte ay napahupa nang bahagya ang umiinit ng tensyon ng politika sa bansa.

“Ako, tingin ko, maganda ‘yong pagpapaliban, in a way, because it neutralizes or somehow defuses the tension within the politics in the country,” saad ni Torres.

Dagdag pa niya, “More importantly, at least take time to breath and make people be more rational. Kasi nakita natin at napansin natin sa loob ng dalawa o tatlong linggo, medyo grabe ‘yong emosyon ng taumbayan do’n sa nangyari.”

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Nakabinbin pa rin ngayon ang impeachment trial ni Duterte sa Senado. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, gugulong ang paglilitis pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Hulyo.

MAKI-BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz

Sa ginanap na press conference noong Pebrero 19, muling iginiit ni Escudero na walang mangyayaring impeachment trial hangga’t walang sesyon ang Senado at Kongreso.