May 22, 2026

Home BALITA Eleksyon

Miel, inendorso si Kiko: 'My father is a man of integrity'

Miel, inendorso si Kiko: 'My father is a man of integrity'
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB)

Naghayag ng suporta si Miel Pangilinan sa ama niyang si senatorial aspirant Atty. Kiko Pangilinan.

Sa video statement ni Miel noong Linggo, Mayo 4, sinabi niya ang ilang dahilan kung bakit karapat-dapat maluklok ang ama niya sa Senado.

"My father is a man of integrity, that's something that he taught me at a very young age; that it is important to stand by your beliefs and stand for what is good, not back dow, not sell yourself out,” saad ni Miel.

"Lahat po ng ginagawa niya sa gobyerno ay para sa mga Pilipino at para sa mga Pilipino lamang. He has never accepted a bribe,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa ni Miel, “He has never fell to the temptation of corruption because he's not in the government to make money. He is in government to make the Philippines a better place.”

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

Pinasalamatan naman ni Kiko si Miel para sa pag-endorsong ito.

Aniya, “Bilang isang ama, nakakataba ng puso na marinig ang saloobin ng aking anak. Maraming salamat, Miel. Miss ka na ng iyong Daddy.”

Samantala, bukod kay Miel, naghayag din ng suporta si Unkabogable Star Vice Ganda sa kandidatura ni Kiko.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, inendorso na si Kiko Pangilinan