Inendorso ng actress-dancer na si Maja Salvador si senatorial aspirant Tito Sotto para sa 2025 midterm elections.
Sa video statement ni Maja nitong Lunes, Mayo 5, sinabi niyang si Sotto umano ang senador na maaasahan ng bawat pamilyang Pilipino.
“Never late, never absent. Ang senador na maaasahan ng bawat pamilyang Pilipino; ang ating Dabarkads, Senator Tito Sotto. Number 59 sa balota,” saad ni Maja.
Si Sotto ay nagsilbing Senate Presidente mula 2018 hanggang 2022. Nagsimula ang karera niya sa politika nang mahalal siyang vice mayor sa Quezon City noong 1988.
Samantala, bukod kay Sotto, inihayag din ni Maja ang suporta niya sa kandidatura ni Atty. Kiko Pangilinan sa Senado.
Matatandaang sa partyl-list naman ay inendorso niya ang Solid North. Ang unang tatlong nominado ng nasabing party-list ay binubuo nina Menchie Beronilla Bernos, Lucia Esperanza Valero, at Guillermo Ablan, Jr.
MAKI-BALITA: Pag-endorso ni Maja Salvador sa isang party-list, inulan ng reaksiyon