June 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Kitty Duterte sa kabataan: 'Bantayan ang boto!'

Kitty Duterte sa kabataan: 'Bantayan ang boto!'
Photo Courtesy: Screenshot from PDP-Laban (FB)

Hinikayat ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte ang kabataan na bantayan ang boto sa darating na 2025 midterm elections.

Sa ikinasang campaign sortie ng PDP-Laban sa Quezon City noong Linggo, Mayo 4, sinabi ni Kitty ang dahilan kung bakit kailangang bantayan ng kabataan ang boto ng mga mamamayan.

“Sa mga kabataan, hinihikayat ko kayong magbantay sa mga boto dahil dito nakasalalay ang kinabukasan nating lahat. Maraming salamat po. And God save the Philippines,” saad ni Kitty.

Pahabol pa niya, “Pilipinas, Duterte pa rin!”

Eleksyon

Sen. Imee, mapagbalat-kayo raw; ‘di bet ni Panelo para kay VP Sara sa 2028

Kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands ang ama ni Kitty dahil sa kaso nitong crime against humanity.

Matatandaang kamakailan lang ay nagbigay siya ng update tungkol sa kasalukuyang lagay ng kalusugan ng dating pangulo.

MAKI-BALITA: Kitty Duterte sa kalusugan ni FPRRD: 'He's in good shape'