Usap-usapan ang Instagram post ng "Mister International" contestant-model na si Kirk Bondad matapos niyang i-share kung ano ang "best workout equipment" niya.
"Best workout equipment on a beach"
"Women curls," aniya, habang ipinapakita ang pagtaas-baba sa isang babae gamit ang mga braso niya.
Sa caption, minention ni Kirk ang TV at print model na si Racy Oliva.
Isang netizen naman ang sumita sa kaniya sa comment section.
"I know this is meant to be a joke but isnt this a literal objectification of women?" anang netizen.
Sagot naman ni Kirk, " yes, no, maybe, depends on how you wanna frame it :)"
Tugon naman ng netizen, "just be very very careful bcoz bashers are all around the corner waiting for very small mistakes."
Ang iba naman, mas concern sa aktres at model na si Lou Yanong, na dating karelasyon ni Kirk. Kamakailan lamang ay napabalita ang kanilang hiwalayan matapos maispatan ng mga netizen na inunfollow ni Lou si Kirk sa Instagram
"How about Lou’s feeling after seeing this" sey ng isang netizen.
Tugon naman ng isa, "exactlyyy"
"he is narci so he don't care others people feelings," hirit ng isa.
"kung ako ni Lou d rin nman ako masasaktan Lalo na ganitong klase na lalaki HAHA prang wala nrn sila eh," anang isa.
Samantala, wala pang sey tungkol dito si Lou.