May 22, 2026

Home BALITA Eleksyon

Giit ni PBBM 'pag nanalo ibang kandidato: 'Haharangin gustong gawin ng administrasyon!’

Giit ni PBBM 'pag nanalo ibang kandidato: 'Haharangin gustong gawin ng administrasyon!’
Photo courtesy: Screengrab from RTVM/Facebook

Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinggil sa pagkakaisa umanong iboto ang kaniyang mga pambatong senador mula sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025.

Sa kaniyang talumpati nitong Lunes, Mayo 5, sa Cebu City, ipinaliwanag niya kung bakit umano mahirap kapag kandidato mula sa ibang partido ang mananalong senador.

"Kung ang senador na maihahalal natin, na maihahalal sa eleksyon ay kontra sa administrasyon—ang magiging problema, haharangin lahat ang gustong gawin ng administrasyon. Kaya't 'wag po tayong mapunta roon,” ani PBBM.

Hinimok din ng Pangulo ang taumbayan hinggil sa pagkakaroon pa rin ng nagkakaisa umanong hangarin. 

“Patunayan natin, na hindi lamang sa taumbayan, tayo'y nagkakaisa. Hindi lamang sa politika nagkakaisa. Ngunit, ang hangarin natin, nagkakaisa sa Senado at ipinapakita dahi sila'y representative ng tao, na tutulong sila, sila ay magsasakripisyo para sa taumbayan,” anang Pangulo. 

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

Matatandaang nauna na ring ipanawagan ni House Speaker Martin Romualdez ang buong pagsuporta raw para sa Alyansa at tinawag niyang “subok” na umano sa serbisyo-publiko ang kanilang mga pambato.

“They are our true partners," pagpapatuloy niya. "Subok na subok sila. I know each and every one of them have proven themselves. Hindi tayo mapapahiya sa taong bayan,” ani Romualdez.

KAUGNAY NA BALITA: True partners, subok na raw: Romualdez, hinikayat iboto buong Alyansa