June 06, 2025

Home BALITA National

Comelec, pinabulaanan kumakalat sa socmed na sa Mayo 10 bagong schedule ng eleksyon

Comelec, pinabulaanan kumakalat sa socmed na sa Mayo 10 bagong schedule ng eleksyon
Courtesy: Comelec

“Tuloy na tuloy po ang halalan sa Lunes, May 12, 2025!”

Pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang kumakalat sa social media na inilipat sa Mayo 10, 2025 ang 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Mayo 5, ibinahagi ng Comelec ang isang graphics na nagsasaad na inilipat nito ang araw ng eleksyon sa Mayo 10.

“FAKE NEWS ang graphics na kumakalat ukol sa paglipat ng halalan sa May 10, 2025. Hindi ito galing sa tanggapan ng Commission on Elections, at hindi ipinost sa official at verified social media channels ng COMELEC,” anang Comelec.

National

CEAP, iginiit pagpapanatili ng Ethics sa college curriculum

Kaugnay nito, nilinaw ng komisyon na isasagawa ang National and Local Elections sa Mayo 12, 2025, mula 7:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.

Dagdag ng Comelec, mayroon ding Early Voting Hours para sa mga senior citizen, persons with disability, at mga buntis mula 5:00 ng umaga hanggang 7:00 ng umaga.

“Pinaaalalahanan ang lahat na ang pagpapakalat ng false, alarming information ay isang Election Offense sa ilalim ng Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code,” babala ng Comelec.

“Help us stop the spread of false information. Always verify through official COMELEC sources,” saad pa nito.