June 05, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec, hiniling kay PBBM na gawing holiday ang Mayo 12, 2025

Comelec, hiniling kay PBBM na gawing holiday ang Mayo 12, 2025
Comelec Chairman George Garcia (MB photo)

Hiniling ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ideklarang holiday ang araw ng 2025 midterm elections sa Lunes, Mayo 12, 2025.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, Mayo 5, ibinahagi ni Comelec chair George Garcia na nag-request na raw ang komisyon noong nakaraang linggo kay Marcos para sa deklarasyon ng holiday sa Mayo 12.

“Nag-request na rin po ang inyong Commission on Elections sa ating kagalang-galang na Pangulo noong isang linggo lamang na sana ay ideklarang holiday ang Mayo 12,” ani Garcia.

“[Ito ay] para naman po mabigyan ng pagkakataon ng sambayanang Pilipino, ang mga botante natin, na makaboto kahit na iisipin nila na hindi na makapasok sa araw na iyon, tutal naman declared holiday po siya,” dagdag niya.

Eleksyon

Voter registration para sa BSKE, simula na sa July 1

Sinabi rin ni Garcia na kinakailangan ng proklamasyon mula sa pangulo upang masigurado raw na deklaradong holiday ang araw ng eleksyon.

Samantala, nito lamang ding Lunes nang maglabas ng pahayag ang Comelec upang pabulaanan ang kumakalat sa social media na inilipat nito sa Mayo 10, 2025 ang araw ng eleksyon.

MAKI-BALITA: Comelec, pinabulaanan kumakalat sa socmed na sa Mayo 10 bagong schedule ng eleksyon