June 10, 2025

Home BALITA

Bollard sa NAIA, pinutakti ng netizen: 'Corruption kills!'

Bollard sa NAIA, pinutakti ng netizen: 'Corruption kills!'
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Usap-usapan sa social media ang larawan ng nasirang bollard matapos salpukin ng SUV na kumitil ng dalawang katao sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Linggo, Mayo 4, 2025.

Batay sa mga aktwal na larawang nagkalat sa social media, makikitang mababaw lang umano ang pagkakalubog nito, dahilan upang mabuwag ito. 

Ayon sa mga eksperto, ang bollard ay inilalagay bilang barikada sa mga parking lot at sidewalks ng pedestrian upang magsilbing proteksyon sa aksidente. Kung tama at maayos ang pagkakakabit nito sa lupa, maaari nitong mapigilan ang pagsalpok ng isang sasakyan.

Bunsod nito, inulan ng samu't saring reaksyon ang nasabing larawan na nagpapakita umano ng palpak na imprastraktura ng gobyerno.

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

"Pati ba naman sa bollard, tinipid pa rin?"

"Proyekto 'yan ni FPRRD, kinorap nang malala!"

"Tatak Duterte!"

"Life saver kung inayos!"

"Sisihin ang driver, singilin ang gobyerno!"

"Wake-up call na dapat ito!"

Wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng NAIA hinggil sa nasabing isyu, ngunit nauna na nilang igiit na nakahanda umano silang sagutin ang lahat ng danyos ng mga naapektuhang biktima dulot ng aksidente. 

KAUGNAY NA BALITA: Gastos ng mga biktima ng SUV na nang-araro sa NAIA, sasagutin ng San Miguel Corp.