June 08, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?

Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?
Photo courtesy: Screenshots from Vincent Co, Bea Alonzo via Insider PH/Fashion Pulis

Usap-usapan ng mga netizen ang ilang mga kumakalat na larawan na umano'y mula sa private Instagram account ng businessman na si Vincent Co, anak ng mag-asawang business magnate na sina Lucio at Susan Co, may-ari ng Puregold Price Club, na chain ng supermarket at hypermarket sa Pilipinas at pasok sa isa sa mga pinakamayayamang Pilipino sa bansa.

Lumabas ang mga nabanggit na larawan mula raw sa IG account ni Co sa "Insider PH," at ipinost din ng Fashion Pulis.

Sa nabanggit na larawan, makikitang si Vincent na nakasuot ng itim na polo shirt ay tila nasa beach at may kasamang babaeng naka-white coat at mahaba ang buhok.

Nakatalikod ang dalawa kaya hindi natukoy kung sino ang babae, subalit ang ilang netizen, tila naikonekta ito kay Bea dahil sa suot na outfit niya sa pamamasyal sa Andalucia, Spain.

Tsika at Intriga

Kat Domingo, pumalag sa nagsabing 'wag na lang pansinin' kabastusan

Makikita rin daw na pinusuan ni Bea ang Instagram post ni Vincent na nagpapakita ng inintrigang larawan.

Ang huling napabalitang karelasyon ni Bea ay ang aktor na si Dominic Roque. Si Roque naman, matapos ang naudlot na kasal sana nila, ay jowa na ang aktres na si Sue Ramirez.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Bea hinggil dito.