May 04, 2025

Home BALITA

Suspek sa SCTEX road crash, negatibo sa drug test; lahat ng driver ng Solid North, ipapa-drug test din!

Suspek sa SCTEX road crash, negatibo sa drug test; lahat ng driver ng Solid North, ipapa-drug test din!
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Negatibo sa drug test ang driver ng bus na umararo sa ilang sasakyan sa SCTEX at kumitil ng 10 katao noong Mayo 1, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!

Kasunod nito, nakatakda na rin umanong isailalim sa drug test ang lahat ng driver ng Solid North—ang bus company na sangkot sa nasabing aksidente. 

Sa panayam ng media kay Dizon nitong Linggo, Mayo 4, iginiit ng kalihim na hindi umano maaaring tumanggi ang mga driver sa isasagawang drug test.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

“Yung mandatory drug testing, kailangan istrikto tayo dito. Hindi ka pwedeng umayaw kasi nagdadala ka ng pasahero eh. Madalas sa atin hindi naman kuwestiyon ng batas eh, kuwestiyon ng enforcement. Strict enforcement,” anang DOTr Secretary.

Matatandaang noong Mayo 2 nang ihayag din ng ahensya na tuluyan nilang pinatawan ng 30 araw na suspensyon ang lahat ng operasyon ng Solid North habang patuloy umanong gumugulong ang imbestigasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Resulta ng SCTEX road crash: Lahat ng bus units ng Solid North, tuluyang sinuspinde ng DOTr

Samantala, napag-alamang walo sa mga nasawing biktima ang papunta raw sana noon sa isang religious children camp habang ang dalawa pa sa mga nasawi ay ang mga magulang ng dalawang taong gulang na batang naulila bunsod ng naturang aksidente.

KAUGNAY NA BALITA: Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp