May 04, 2025

Home BALITA

Santo Papang larawan ni Trump, ‘di nagustuhan ni CBCP Pres. David

Santo Papang larawan ni Trump, ‘di nagustuhan ni CBCP Pres. David
Photo Courtesy: Pablo Virgilio David (FB), Donald Trump (IG)

Nagbigay ng reaksiyon si Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Cardinal Virgilio David sa Santo Papang larawan ni US President Donald Trump.

Sa latest Facebook post ni David noong Sabado, Mayo 3, sinabi niya sa pamamagitan ng iba’t ibang wika na hindi raw nakakatuwa ang AI-generated na larawan ng US president.

“Hindi nakakatawa, Ginoo,” saad sa caption.

Ibinahagi mismo ni Trump sa kaniyang Instagram account ang nasabing larawan ilang araw matapos niyang dumalo sa misa ng libing ni Pope Francis.

National

Nasa 17 lugar sa PH, makararanas ng ‘dangerous’ heat index mula Mayo 4-Mayo 5

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalagang bagong Santo Papa. Kabilang si David sa mga cardinal na boboto sa darating na conclave sa Sistine Chapel para italaga ang bagong pinuno ng Simbahang Katolika.