May 04, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers
Photo courtesy: MB/Pixabay

Ilang mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang pananaw patungkol sa implementasyon ng "digital taxes" sa mga digital platforms na nagbibigay ng "digital services" simula sa Hunyo 1, 2025.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang Republic Act No. 12023 o "Value Added Tax (VAT) on Digital Services Law" noong Oktubre 2, 2024 na nagpapataw ng 12% VAT sa iba't ibang digital services, kabilang ang online streaming platforms, online games, freelancing, at iba pang foreign tech firms na nagbibigay ng digital service sa bansa.

Sa official website ng digital distribution service na Steam, makikitang kabilang ang Pilipinas sa listahan ng "To Be Collected in the Future" kasama ang Estonia. Ang United Arab Emirates (UAE), Austria, Australia, Belgium, Czech Republic, at iba pang bansa ay nauna nang nagkaroon nito.

Samantala, mababasa naman sa Facebook page na "Speak Up Pilipinas" ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens tungkol dito, batay sa post.

Human-Interest

ALAMIN: Mga dapat malaman kung paano nga ba maging poll watcher sa eleksyon

Mababasa sa post, "Freelancers, digital workers—guess what? You’re the newest target."

"RA 12023, signed by PBBM, adds 12% VAT on digital services starting June 1, 2025. Upwork fees? Tumaas. Fiverr? Tumaas. Freelancers' income? Bawas na naman. This ain’t tax reform. It’s a lazy cash grab."

Ayon pa sa post, nasa higit 1.5 milyong Pinoy freelancers umano ay online workers ayon sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT) simula pa noong 2023. Karamihan daw ay kumikita ng ₱30,000 kada buwan at walang benepisyong nakukuha. Sinabi rin daw ng World Bank na nakatulong ang digital freelancing sa "bridge poverty gaps" lalo na noong pandemya.

"Pero anong ginawa? Instead of support—tax agad!" mababasa pa sa post.

Dagdag pa, "Meanwhile, smuggled rice? Billions lost. Gov’t underspending? Trillions left idle. Pero yung freelancers, may paningil agad. Approval rating bagsak. Election palapit. And now they’re taxing the quietest sector—akala siguro walang kokontra."

"We see you. And no, this isn’t 'para sa bayan.' This is panic disguised as policy," mababasa pa.

Photo courtesy: Screenshot from Speak Up Pilipinas (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Madami din kasi freelancers naflex ng flex sa social media ng accomplishments nila. Dapat kasi quiet lang talaga lalo pag income kasi nakamasid ang bir at gubyerno. Always wanting a share of the pie. Tarantado pa naman gubyerno natin."

"Mahirap e.explain kung magsaya or malungkot ba tayo sa balitang ito.. Ikaw kababayan, anong masasabi mo dito?"

"Tax na naman hahaha tapos mababalitaan mo mapupunta lang sa korapsyon hahaha."

"KAILAN KAYA MAGING OK ANG PINAS"

"Maawa naman kayo sa freelancers, wala na ngang benefits eh..."

KAUGNAY NA BALITA: Digital taxes sa video games, magsisimula nang ipataw sa Hunyo